Ang pagpapakain ng basa o tuyong pagkain ay may naidudulot na kabutihan at kasamaan sa alagang baboy. Ang baboy na nasanay na sa pakain ng basa ay ayaw kumain ng tuyong pakain kahit na ito ay sabayan pag ng tubig inumin.
Wet Feeding – ang basang pakain ay inirerekomenda sa may mga kakaunting bilang nang alagang baboy. Maganda itong paraan ng pagpapakain sa starter, grower at finisher stage. Maaari rin itong gawin sa mga nagpapasusong inahin upang ganahan ang mga itong kumain at makapaglabas ng mas maraming gatas. Ito rin ang angkop na paraan sa mga lugar na malakas ang hangin kung saan ang butil ng mga tuyong pakain ay madalin liparin.
Ang tubig na dapat ihalo sa bawat 1 kg na pakain ay 2-3 litro (hindi darami pa sa tatlong bahagi sa bawat bahagi ng pakain). Sa ganitong pamamaraan, higit na maganang kumain at mabilis lumaki ang baboy. Nangangailangan nga lang ito ng mahigpit na superbisyon upang maiwasan ang pagkapanis ng pagkain.
Dry Feeding – inirerekomendang paraan ng pagpapakain sa mga nagsisipag-alaga ng maraming baboy. Ito ay upang makatiyak na makakakain ang bawat baboy sa kulungan. Ang rekomendasyong ito ay ibinabatay sa obserbasyon na mas matagal ang oras na gugugulin kung tuyong pakain ang ibibigay kumpara sa basa. Samakatuwid, hindi madaling mauubos ang pakain at mabibigyan ng pagkakataon ang lahat sa kulungan na makakain.